Add parallel Print Page Options

Ang pagkatalo sa Horma.

41 Nang magkagayo'y sumagot kayo at sinabi ninyo sa akin, (A)Kami ay nagkasala laban sa Panginoon, kami ay sasampa at lalaban, ayon sa buong iniutos sa amin ng Panginoon naming Dios. At nagsipagsakbat bawa't isa sa inyo ng kanikaniyang sandata na pangdigma, at kayo'y nagmadaling sumampa sa bundok.

42 At sinabi sa akin ng Panginoon, Sabihin mo sa kanila, (B)Huwag kayong sumampa, ni lumaban; sapagka't ako'y wala sa inyo; baka kayo'y masugatan sa harap ng inyong mga kaaway.

43 Gayon sinalita ko sa inyo, at hindi ninyo dininig; kundi kayo'y nanghimagsik laban sa utos ng Panginoon, at naghambog (C)at umakyat sa bundok.

Read full chapter